Sa magdamag, mahigit 80,300 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.
Mahigit 4.5 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit mahigit 968,000 pa ang active cases.
May naitala ding dagdag na mahigit 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay mahigit 90,000 na.
Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.
READ NEXT
DENR naglabas ng punto por punto na paliwanag sa kaugnay sa dolomite at beach nourishment project sa Manila Bay
MOST READ
LATEST STORIES