DENR naglabas ng punto por punto na paliwanag sa kaugnay sa dolomite at beach nourishment project sa Manila Bay

Ginawang punto por punto na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paliwanag nito kaugnay sa dolomite at beach nourishment project sa Manila Bay.

Kasunod ito ng patuloy na batikos pa rin na tinatanggap ng DENR sa ginawang pagpapaganda sa Manila Bay.

Sa inilabas na paliwanag sa kanilang Facebook page, sinabi ng DENR na ang ‘dolomite’ ay hindi makasasama sa ecosystems ng Manila Bay.

Ipinaliwanag din ng DENR kung saan nagmumula ang dolomite na nakatutulong din umano para mabawasan ang acidity sa sea water.

Sinabi rin ng DENR na hindi banta sa kalusugan ng tao ang dinurog na dolomite rocks dahil hindi ito inhalable.

Hindi rin umano totoong nagdudulot ng cancer ang dolomites at lalong hindi ito poisonous.

Kabilang din sa sinagot ng DENR ang pagpapatupad ng nasabing proyekto sa kabila ng pagkakaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa at ang mga akusasyong overpriced ang proyekto.

 

Read more...