Baguio City nakapagtala ng 27 bagong kaso ng COVID-19

Umabot sa 27 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Baguio City.

Sa datos mula sa Baguio City Public Information Office, sa nasabing bilang, 11 ay pawang contacts ng mga nauna nang nagpositibo sa sakit.

Dahil sa dagdag na mga kaso, umabot na sa 606 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 200 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19.

394 naman na ang gumaling habang 12 ang pumanaw.

 

 

Read more...