Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 5,900

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, September 21), nadagdagan ng 115 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 5,900.

Sa nasabing bilang 1,166 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nasa 273 kung saan 2 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 7,339 na.

Read more...