Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 23 kilometers southeast ng Cataingan, alas 12:38 ng madaling araw ngayong Miyerkules, Sept. 23.

Ayon sa Phivolcs, 9 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Masbate noong August 18, 2020.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

Excerpt:

Read more...