Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 34,785

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 22, 3:00 PM) nakapagtala ng 440 na bagong kaso kaya pumalo na sa 34,785 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,423
Laguna – 11,152
Batangas – 5,988
Rizal – 6,554
Quezon – 1,668

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,490.

Nasa 17,451 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 217 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 5,196
Laguna – 6,048
Batangas – 3,223
Rizal – 2,005
Quezon – 979

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 844 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 210
Laguna – 207
Batangas – 153
Rizal – 217
Quezon – 57

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...