Bunsod ito ng tumataas na tensyon sa nasabing bansa dahil sa kasalukuyang political at security situation doon.
Itinataas ang Alert Level 2 kapag mayroong banta sa buhay, seguridad, at ari-arian ng mga Filipino sa bansa kung saan sila naroroon dahil sa internal disturbances, instability, o external threat.
Sa ilalim ng Alert Level 2, pinapayuhan ang mga Filipino na iwasan ang non-essential movements, iwasan ang magtungo sa public places, at maghanda sakaling kailanganing lumikas.
Pinayuhan ang mga Pinoy sa Mali na makipagugnayan sa Philippine Embassy sa Rabat, Morocco para sa karagdagang mga abiso at tumawag sa numero +212-694202178 o sa pamamagitan ng email na rabat.pe@dfa.gov.ph.