Global death toll sa COVID-19 mahigit 969,000 na

Sumampa na sa 969,296 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 204,506 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Umabot naman na sa mahigit 137,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 88,900 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 73,000.

Umabot naman na sa mahigit 22.8 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 204,506
Brazil – 137,350
India – 88,965
Mexico – 73,697
UK – 41,788
Italy – 35,724
France – 31,338
Peru – 31,474
Spain – 30,663
Iran – 24,478

 

 

 

Read more...