Michael Braganza Peloton bagong Comelec Commissioner

Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang ang nominasyon kay Michael Braganza Peloton bilang bagong Commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpiyansa ang palasyo na maninilbihan si Peloton sa poll body nang may professionalism at integridad.

Kabilang aniya si Peloton sa magtitiyak ng manilis, credible, free, honest, orderly at modernized elections.

Kasabay nito nagpaabot ng pagbati ang palasyo kay Peloton sa kaniyang bagong assignment.

 

 

Read more...