Nag-isyu ng alert order si District Collector Erastus Sandino Austria sa mga kargamento, kaya isinailalim sa 100% physical examination ang shipment.
Batay sa pagsusuri sa container nakita ang 980 na master cases ng mga sigarilyo.
Kabilang sa mga ito ang mga brand ng More, Mighty, D&B at Marvel Cigarettes.
Naka-consign ang kargamento sa “Goldsmith Trading” at idineklarang naglalaman ng plastic cups.
Dahil dito agad nag-isyu ng warrant of seizure and detention (WSD) sa mga kargamento.
MOST READ
LATEST STORIES