“MinDa-Tienda” dadalhin sa Maynila

Dadalhin sa lungsod ng Maynila ang proyektong “MinDa-Tienda” ng Mindanao Development Authority o MinDa.

Sinabi ni MinDa Chairperson Manny Pinol, ang MinDa-Tienda ay dadalhin sa Maynila sa October 23 hanggang 25 sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.

Kasunod ito ng kasunduan sa pagitan ni Manila Mayor Isko Moreno at ng MinDa.

Layunin ng nasabing proyekto na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Mindanao na nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa MinDa-Tienda sa Maynila, maaring makabili ng produktong mula sa Mindanao sa mas murang halaga.

Makabibili din ng iba’t ibang isda.

Tampok din sa MinDa-Tienda sa Maynila ang mga prokduktong mula sa Bangsamoro Region gaya na lamang ng mga handwoven fabric.

 

 

 

Read more...