Branch 66 ng Makati RTC isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa physical closure ang Makati Regional Trial Court Branch 66.

Ang pagsasara ay simula ngayong araw Sept. 22 hanggang Sept. 28.

Sa memorandum ni Executive Judge Ethel Mercado-Gutay, habang sarado ang korte ay magsasagawa ng disinfection sa pasilidad.

Mayroon kasing isang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Magsasagawa rin ng contact tracing at swab testing sa mga staff na nagkaroon ng close contact sa nasabing empleyado na huling pumasok sa trabaho noong Sept. 14.

Ang mga transaksyon sa naturang korte ay maaring ipadaan sa pamamagitan ng e-mail at hotline numbers.

 

 

Read more...