Dagdag sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong umaga

Mayroong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

60 centavos ang dagdag sa kada litro ng gasolina, 20 centavos sa kada litro ng diesel at 55 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang dagdag presyo alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 22 ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, Sea Oil, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, PTT, Unioil at Total.

Ang kumpanyang Chevron ay nauna nang magpatupad ng price hike alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 8:01 ng umaga epektibo ang rollback ng Cleanfuel.

 

 

 

 

Read more...