LPA sa Northern Samar magpapaulan sa Visayas, Bicol Region at Palawan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Catarman, Northern Samar.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang naturang LPA ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Visayas, Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, at Palawan.

Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral na may tsansa ng pag-ulan sa hapon o gabi sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA posibleng malusaw sa susunod na mga oras ang naturang LPA.

 

 

Read more...