Central Visayas, nakapagtala ng 37 pang COVID-19 cases

Nagkaroon pa ng 37 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 21, 20,450 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa nasabing bilang, 1,597 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 118 ang bagong gumaling kung kaya 17,607 na ang COVID-19 recoveries.

Umabot naman sa 1,246 ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...