COVID-19 recoveries sa Eastern Visayas, nadagdagan ng 52

Nadagdagan ng 29 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 498 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Lunes ng gabi (September 21), 4,167 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 563 o 13.51 porsyento ang aktibong kaso.

Marami ring residente ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 3,563 o 85.51 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Read more...