Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 21, umakyat na sa 9,577 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,766 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 69.09 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
234 naman ang gumaling pa kaya 5,657 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 154 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES