Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Lunes ng umaga (September 21).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,536,403 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.35 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,360,102 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,123,539 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,793,935.
Umabot naman sa 7,742,484 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,812,715 sa Senior High School.
Nasa 1,737,926 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 384,027 sa Alternative Learning System.
65,316 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.