LPA sa loob ng bansa, posibleng malusaw sa susunod na 12 oras

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa bisinidad ng Catarman, Northern Samar bandang 3:00 ng hapon.

Mababa aniya ang tsansa na lumakas ito at maging isang bagyo.

Ani Rojas, posibleng malusaw ang LPA sa susunod na 12 oras dahil malapit na ang sama ng panahon sa kalupaan.

Gayunman, asahan pa rin aniyang makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, ilang bahagi ng Bicol region, Romblon at Palawan.

Maliban sa LPA, sinabi ni Rojas na wala nang tinututukang sama ng panahon ang weather bureau sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...