Bayabas, Surigao del Sur nakaramdam muli ng aftershock

Yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Bayabas, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 17 kilometers Northeast ng nasabing bayan bandang 3:26 ng hapon.

21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, ito ay aftershock pa rin ng tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Bayabas, Lunes ng umaga (September 21).

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar at mga karatig-bayan.

Read more...