Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, inaasahang magiging “game-changer” ang proyekto dahil maaaring makausap ng mga aplikante ang potential employers, makapag-fill up ng forms, at makapagbigay ng application letters nang hindi umaalis sa kani-kanilang bahay.
Kabilang sa job fair ang 16 Subic Bay Freeport locators, 18 iba pang kumpanya at dalawang government agencies; Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Zambales.
Dahil dito, nasa 695 trabaho ang bukas para sa mga aplikante.
“This online jobs fair is an answer to the prayers of our people,” ani Eisma.
Ito ang unang online job fair sa Subic at sinabi ni Eisma na hindi ito ang huling beses na gagawa sila ng naturang proyekto.
“The pandemic also affects us here in Subic, but we are proud to say that we try to find solutions, to look for ways by which we can continue providing for our loved ones in these abnormal times,” pahayag nito.
Narito ang mga kumpanya na may alok na trabaho:
– Tokiwa Subic Corp.
– Subic Xin Hong Corp.
– Sam’s Group of Companies
– Juan Fong Industrial Corp.
– PA Support Subic Ltd. Inc./Play-Asia
– Pactec Subic Bay Inc.
– Materion Singapore Pte. Ltd. (Philippine Branch)
– Toyota Subic Inc.
– Strategic Channel for Career Development (SCCD) Corporation
– Subic Asia Pacific Marine Resources Inc.
– Subic Bay Freeport Grain Terminal Services, Inc.
– Uptimised Corporation
– SBDMC, Inc.
– Philippines Easepal Tech. Ltd Corp.
– FFP Concept Planning Solutions Corp.
Narito naman ang mga alok na posisyon sa mga aplikante:
– Quality control staff
– warehouseman
– loading clerk
– nurse
– accounting staff
– chef
– cook
– kitchen staff
– restaurant manager
– marketing staff
– sewer
– pattern maker
– customer service staff
– sales representative
– credit and collection staff
– audit staff
– mechanic/ welder
– production operators and helpers
– mechanical technician
– painter
– fabrication helper
– human resources assistant
– office aide
– utility worker
– finance manager
– mason
– architect
– civil engineer
– driver
Tulad ng face-to-face job fairs, kailangang maghanda ng mga aplikante ng kopya ng kanilang resume, bagong 2×2 pictures, PSA birth certificate, diploma o transcript of records, NBI at police clearances, at iba pang certificates.
“Only this time, these documents must be in digital form,” ani Eisma.
Ayon sa SBMA Labor Department, para makakuha ng link sa virtual job fair platform, kailangang mag-register online ng applicants sa:
https://forms.gle/nWZ3Myy13vL63vgW9
Maaaring ma-access ang links mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa tatlong araw na virtual job fair.
Malayang makakapag-browse ang applicants ng job openings, at magsumite ng application sa iba’t ibang posisyon.
Sa pagtatapos ng araw, mag-fill out ng exit form ang bawat kumpanya para ma-record kung may aplikante na natanggap na at upang makakuha ng feedbacks para mapabuti ang virtual job fair.
Ang naturang virtual job fair ay bahagi ng National Tourism Week celebration para ma-promote ang Subic Bay katuwang ang Department of Tourism (DOT) at NLEX Corporation.