BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 290,000 na

Hindi bababa muli sa 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 20), umabot na sa 290,190 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 54,958 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,475 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.9 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 15 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,999 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 400 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 230,233 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...