Kasabay nito, sinuportahan din ng senador ang mga panawagan na bigatan ang parusa sa mga kasong pandarambong, korapsyon at iba pang krimen.
Kasama sa mga nais ni Go na maaaring maimbestigahan ng task force ang ibang ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations na may mga alegasyon din ng katiwalian.
“Sabi ko nga kay Pangulong Duterte, huwag nating limitahan ‘yung task force po sa PhilHealth. Kung saka-sakali pong kakailanganin ay ibang ahensya naman po ang gawan natin ng task force para mapabilis at makasuhan ang mga sangkot sa katiwalian,” aniya.
Nais din ng senador na magamit ang kapangyarihan ng Ombudsman, COA at Civil Service Commission na magsuspinde, mag-lifestyle check, mag-audit, mag-imbestiga, makasuhan at magpakulong.
“Hindi lang po ‘yon, dapat po ma-lifestyle check rin po itong mga nauulat na korapsyon sa gobyerno para matingnan po kung saan nila kinukuha ang kanilang pera…. Dapat silipin ‘yan, kasuhan, preventive suspension para hindi po makagalaw, pilayan kaagad para hindi maka-impluwensya sa opisina nila at hindi matago ‘yung mga ebidensya, at kasuhan po,” dagdag pa ng senador.