Gatchalian sa DepEd: Gamitin ang P4B sa Bayanihan 2 para sa mga guro

INQUIRER Photo

Para sa pagkasa sa online learning system, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na kailangan ay handa ang mga guro kayat hinikayat niya ang Department of Education o DepEd na gamitin ang P4 bilyon na nakapaloob sa Bayanihan 2 para sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo.

Sinabi ni Gatchalian sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, ang inilaan na P4 bilyon ay para sa pagpapatayo ng kagawaran ng information technology and digital infrastructure.

Magagamit din ang pondo para sa pagpapatupad ng digital education at paggamit ng mga alternatibong pamamaraan kasama na ang pag-imprenta at paghahatid ng self-learning modules.

Ayon naman sa DepEd, hinihintay pa nila ang tugon ng Budget Department kung kailan nila maaaring maipalabas ang P4 bilyon bago sila gagawa ng implementation guidelines.

Ipinaliwanag din ng kagawaran na dahil limitado pa din ang budget, kailangan nilang alamin kung ano ang mga dapat iprayoridad, kasama na ang pagbibigay ng laptops sa mga guro.

Ang suhestiyon ng senador, “I would strongly suggest to allocate that P4 billion to our teachers, especially in technology that our teachers can use even after the COVID-19 pandemic.”

Read more...