Global death toll sa COVID-19 mahigit 965,000 na

Sumampa na sa 965,063 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 204,118 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Umabot naman na sa mahigit 136,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 87,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 73,000.

Umabot naman na sa mahigit 22.8 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 204,118
Brazil – 136,895
India – 87,909
Mexico – 72,179
UK – 41,777
Italy – 35,707
France – 31,285
Peru – 31,369
Spain – 30,495
Iran – 24,301

Read more...