Mga senior citizen at mga bata papayagang makadalaw sa mga puntod

Hindi pagbabawalan ng pamahalaan ang mga senior citizen at mga bata na makalabas sa kani kanilang tahanan bago mag-Undas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay para makadalaw ang mga bata at nga senior citizen sa mga puntod o sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Papayagan aniya na makalabas ang nga senior citizen at mga bata bago ang pagsasara sa mga sementeryo sa Oktubre a-29 hanggang Nobyembre a-4.

Aalisin na muna aniya ang age restriction para makabisita sa mga sementeryo.

Hindi aniya maikakaila na ngayon pa lamang may mga nagtutungo na sa sementeryo

Read more...