Brgy. Tanod patay sa pananambang sa Masbate

Isang barangay tanod ang nasawi matapos na pagbabarilin sa Cawayan, Masbate.

Ayon kay Police Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police, binaril ng motorcycle-riding gunman ang biktimang si Bebiano Lipasan, 42 anyos residente ng ng Barangay Antipolo sa bayan ng Palanas.

Sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktima sa Sitio Lumboy, Purok 4 sa Barangay Divisoria nang siya ay tambangan.

Dead on the spot ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at pinaghahanap na ang salarin.

 

 

Read more...