Ayon ito kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza.
Sinabi ni Atienza na walang kinalaman sa nasabing usapin si Marinduque Representative Lord Allan Velasco.
Sa mga ulat na lumabas, ay pinalulutang na magkakaroon ng kudeta sa Kamara, patatalsikin si House Speaker Alan Cayetano at magkakaroon ng botohan para sa speakership.
Sinabi ni Atienza na nakausap niya mismo si Velasco at sinabi nitong hindi siya interesadong mag-takeover sa speakership ngayon.
Sinabi aniya ni Velasco na handa siyang sumunod sa napagkasunduang term-sharing at batay sa kasunduan, sa Nobyembre pa ang kaniyang panahon para maging house speaker.
Ayon kay Atienza, disenteng tao si Velasco at marunong sumunod sa napagkasuduan.
“Hindi totoong interesado na si Velasco na mag-takover. Disenteng tao sa Velasco, wala siyang kinalaman sa expose’ Teves (Cong. Arnie Teves).