Ito ay matapos kumpirmahin ni Deputy Speaker Paolo Duterte na nagpadala siya ng mensahe sa mga kapwa kongresista kung saan nagbabala ito na ipapadeklara niyang bakante ang Speakership post.
Sa viber message na ipinadala sa mga mambabatas, nagbanta si Duterte na aatasan niya ang Mindanao Bloc ngayong araw na ideklarang bakante ang pwesto ng Speaker at Deputy Speakers.
Gayunman iginiit nito na ang kanyang ipinadalang mensahe ay pagpapahayag lamang ng kanyang pagkadismaya sa nangyayaring banggaan dahil sa isyu sa infrastructure projects kung saan ilang mambabatas na rin ang kumausap sa kanya tungkol dito.
ipinadala rin anya ito sa isang Visayan Congressman matapos na kaladkarin ang kanyang pangalan sa naturang isyu.
nilinaw ni Duterte na hindi siya makikisawsaw pa sa isyu ng mga kasamahan bilang delicadeza na rin dahil siya ay anak ng Presidente.
Sakali mang magdesisyon ang mga kongresista na kumilos para magpalit ng Speaker bunsod ng kanilang mga sentimyento ay sinabi ni Duterte na tatanggapin niya ang consequence dahil kasama rin siya sa mga matatanggal bilang Deputy Speaker.
Ang pahayag ng batang Duterte ay kasunod ng mga ipinaparating sa kanyang reklamo ng mga kasamahan sa Kamara kaugnay sa hindi pantay na alokasyon para sa infrastructure projects sa mga distrito sa 2021.
Magugunita na noong Huwebes ay ibinunyag ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves na malaking bahagi ng infrastructure project ay napunta sa Taguig na distrito ni Speaker Cayetano at sa Camarines Sur kung nasaan ang malapit na kaalyado nf house speaker na si Deputy Speaker Lray Villafuerte.