Central Visayas, nakapagtala ng higit 50 na kaso ng COVID-19

Nagkaroon pa ng 54 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 21, 20,413 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,680 ang aktibong kaso.

Umabot sa 19 ang bagong gumaling kung kaya 17,491 na ang COVID-19 recoveries.

Habang nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga nasawi kaya 1,242 na ang pumanaw sa Central Visayas.

 

 

Read more...