Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,300 kilometers east northeast ng extreme northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.
Samantala, isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang nabuo sa loob ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 75 kilometers northeast ng Borongan, Eastern Samar.
Maliit naman ang tsansang maging ganap na bagyo ang nasa LPA.
Dahil sa nasabing LPA, ang Visayas at Zamboanga Peninsula ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman na ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.