Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, mga kumpanya ng langis magpapatupad naman ng oil price hike

Magpapatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Ito ay matapos ang rollback sa presyo noong nakaraang linggo.

Tinatayang nasa pagitan ng 60 centavos hanggang 70 centavos ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng gasolina, 10 hanggang 15 centavos sa presyo ng diesel at 50 hanggang 60 centavos naman sa presyo ng kerosene.

Ngayon araw inaasahang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na dagdag presyo na magiging epektibo bukas araw ng Martes (Sept. 22).

 

 

 

 

Read more...