Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 33,739


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (September 20, 3:00 PM) nakapagtala ng 207 na bagong kaso kaya pumalo na sa 33,739 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 9,245
Laguna – 10,907
Batangas – 5,741
Rizal – 6,245
Quezon – 1,601

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 16,713.

Nasa 16,195 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 78 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,940
Laguna – 5,493
Batangas – 3,026
Rizal – 1,780
Quezon – 956

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 6 kaya umabot na sa 831 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 210
Laguna – 205
Batangas – 151
Rizal – 212
Quezon – 53

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...