Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 7,709 na


Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Linggo, September 20, 3PM), 7,709 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 211 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 3,002.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 10,922.

Samantala, nasa 5,729 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

Read more...