Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, September, 20 6PM) umakyat na sa 5,392 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 4,046 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 37 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 1,329.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 17.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES