Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas nadagdagan pa


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, September 20), nasa 4,361 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 1 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nanatili sa 132.

Ang bilang naman ng active cases ay 295 kung saan 21 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 4,788 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

Read more...