Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa


Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Linggo, September 20, 5PM), nasa 3,280 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19 kung saan nakapagtala ng 13 bagong recoveries.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 658.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 132.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,070 na.

Samantala ang bilang ng probable ay 645 habang 449 naman ang suspected.

Read more...