Capoocan, Leyte niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na pagyanig ang lalawigan ng Leyte.

Ayon sa Phivolcs (Information No. 2), naitala ang pagyanig sa 17 kilometers northeast ng bayan ng Capoocan, alas-7:24 gabi ng Linggo (September 20).

May lalim na 8 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Kananga & Capoocan, Leyte
Intensity II – Carigara, Leyte

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Ormoc City.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...