Niyanig ng magnitude 3.1 na pagyanig ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 60 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-8:11 gabi ng Linggo (September 20).
May lalim na 61 kilometers at tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES