Batay sa severe weather bulletin bandang 5:00 ng hapon, naging Tropical Depression ang LPA dakong 2:00 ng hapon at tinawag na itong “Marce.”
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,275 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.
Hindi naman inaasahang makakaapekto ang bagyo sa anumang parte ng bansa.
Sinabi rin ng weather bureau na mananatili ito bilang tropical depression habang nasa teritoryo ng bansa.
Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo, Linggo ng gabi o Lunes ng madaling-araw.