Higit 92,000 pang COVID-19 cases, nadagdag sa India

Nasa 92,605 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (September 20), pumalo na sa 5,400,619 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 1,010,824 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 94,612 ang mga gumaling.

Dahil dito, 4,303,043 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 86,752 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...