Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 20, umakyat na sa 10,390 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 78 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,019 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Walanh bagong gumaling kung kaya 6,594 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, wala ring napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 777 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,052 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,173 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 807 naman ang kaso sa Americas at 1,358 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.