Magnitude 4.6 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 131 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 4:14 ng hapon.

33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na hindi nagdulot ng pinsala ang lindol sa Jose Abad Santos at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...