Koleksyon ng buwis ng gobyerno sa POGO, bumaba

Bumaba na ang koleksyon ng buwis ng pamahalaan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ito ay dahil marami na ang nagsarang POGO operations.

Nabatid na natakot ang mga Chinese worker na magtrabaho sa Pilipinas dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Nabatid na ang Pilipinas ang epicenter ng COVID-19 sa Southeast Asia.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Internal Revenue Deputy Commissioner Arnel Guballa na tuloy pa rin ang kanilang pangongolekta ng buwis sa operasyon ng POGO, service providers at sa kanilang mga empleyado.

Matatandaang maraming sektor na ang bumabatikos sa operasyon ng POGO dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis pati na ang magagaspang na pag-uugali ng mga Chinese worker.

Read more...