BREAKING: Mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, halos 230,000 na

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (September 20), umabot na sa 286,743 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 51,894 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,311 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

86.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 55 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,984 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 20,021 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 229,865 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...