Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang bahagi ng Metro Manila at ilang parte ng CALABARZON.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 3:01 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.

Maaapektuhan din ang San Marcelino, Castillejos at Subic sa Zambales; San Jose, Ibaan at San Pascual sa Batangas.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...