Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, halos 31 milyon na

Aabot na sa halos 31 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 30,987,466 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 6,967,403 cases.

Sumunod na rito ang India na may 5,400,619 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 4,528,347 naman ang kaso sa Brazil habang 1,097,251 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 762,865
– Colombia – 758,398
– Mexico – 694,121
– South Africa – 659,656
– Spain – 659,334
– Argentina – 622,934
– Chile – 444,674
–  France – 442,194
– Iran – 419,043
– United Kingdom – 390,358
– Bangladesh – 347,372
– Saudi Arabia – 329,271
– Iraq – 315,597
– Pakistan – 305,671
– Turkey – 301,348

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 961,401 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 22,587,048 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...