Balatan, Camarines Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Camarines Sur.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 14 kilometers Southeast ng bayan ng Balatan, alas 5:48 ng umaga ngayong Linggo, Sept. 20.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 4 kilometers.

Naitala ang Intensity I sa Legaspi City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...