DepEd ginagamit ng ilang indibidwal para humingi ng donasyong pinansyal

Nakatanggap ng ulat ang Department of Education (DepEd) na may mga indibidwal na gumagamit sa ahensya para manghingi ng donasyong pinansyal.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd, sinabing ang DepEd Central Office at ang tanggapan ng kalihim ay hindi humihingi ng pinansyal na donasyon mula sa anumang indibidwal o organisasyon.

Sinabi rin ng DepEd na wala itong pinahihintulutan na sinuman o anumang grupo na magsagawa ng kahalintulad na aktibidad.

Hinikayat ng DepEd ang publiko na kung mayroong mararanasang katulad na transaksyon, agad iulat sa DepEd Public Assistance and Action Center sa pamamagitan ng mga mobile number na 0919-456-0027 (Smart) at 0995-921-8461 (Globe) o kaya naman ay mag-email sa action@deped.gov.ph.

 

 

 

 

Read more...