21 health workers sa South Cotabato nagpositibo sa COVID-19

21 health workers sa South Cotabato ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, dalawa ay doktor.

Sa datos ng South Cotabato Provincial Health Office, 11 sa mga nagpositibong health workers ay mula sa Koronadal City Health Office, 10 mula sa South Cotabato Provincial Hospital at 1 ang mula sa Allah Valley Medical Center.

Mayroon ding 150 pang health workers sa South Cotabato ang nakasailalim sa quarantine.

Hanggang alas 6:00 ng gabi ng Huwebes (Sept. 17) ang South Cotabato ay mayroong 329 total confirmed cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 107 ang gumaling at 4 naman ang nasawi.

Mayroon namang 218 na aktibong kaso, kung saan 24 ang naka-admit sa ospital at 194 ang patuloy ang isolation.

 

 

 

Read more...